Schilling sadyang nagpabihag sa Sayyaf
January 2, 2001 | 12:00am
Lumabas na rin ang katotohanan!
Ito ang naging reaksyon kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Civil Relations Chief, Brig. Gen. Jaime Canatoy matapos na mabatid na sasampahan ng kaso ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Amerikanong bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Jeffrey Craig Edwards Schilling dahil napatunayang isa itong walk-in hostage o sadyang nagpabihag bunga na rin ng pakikipagkutsabahan sa bandidong grupo sa lalawigan ng Sulu.
Sinabi ni Canatoy na noon pa man ay duda na ang militar sa kaso ng pagkakabihag kay Schilling na mismong pinsan pa ni ASG Spokesman Abu Ahmad alyas Abu Sabaya na si Ivy Osani ang napangasawa.
Nauna nang sinabi ni Chif Supt. Romulo Sales, PNP Director for Intelligence, na kinumpirma sa kanya ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation na malaking kahihiyan ang dinala ni Schilling sa US government bukod pa sa mga kasong kinasangkutan nito sa kanilang bansa bago pa man pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.
Sa kabila nito ayon pa kay Canatoy ay ituturing pa rin ng AFP na isang bihag si Schilling na dapat isalba sa kasagsagan na rin ng opensiba ng militar laban sa Abu Sayyaf.
Bukod kay Schilling, nanatiling hawak pa rin ASG sa ngayon ang Pilipino diving instructor na si Rolland Ullah na kasama sa orihinal na 21 hinostage ng mga bandido kabilang ang 18 dayuhan sa Sipadan Island sa Sabah, Malaysia noong nakalipas na Abril 23 ng nakalipas na taon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest