Nakilala na mga nasawing biktima na sina Sgt. Alfredo Paitan at Pfc. Alex Vivar pawang miyembro ng "Charlie Coy" ng 202nd 113 at ID ng Phil. Army na nakabase sa isang detachment na nakatalaga sa naturang lugar.
Batay sa ulat na natanggap ng Kampo Semion Ola, ang insidente ay naganap dakong alas-8:30 ng umaga habang ang dalawang biktimang sundalo ay namamalengke ng kanilang pagkain para sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Limang mga kabataang rebelde na pawang may edad na 18-20 anyos at armado ng M-16 armalife riffle, cal. .45 at 9mm na pistola ang bigla na lamang na pinaligiran ang dalawang biktima at walang sabing pagbabarilin ang mga ito.
Matapos ang ginawang pamamaslang ng mga rebelde ay mabilis na nagsitakas patungo sa direksyon ng lungsod na ito sakay ang isang hinarang na pampasaherong jeep na may markang "REY".
Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na naabutan pa ng mga rumespondeng mga miyembro ng Phil. Army ang mga rebelde na tumakas matapos ang ginawang pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)