Pagtestigo ng 'jueteng queen' hindi matutuloy?
December 31, 2000 | 12:00am
LUCENA CITY Posibleng hindi matuloy ang pagtestigo sa impeachment trial ni Rosario "Charing" Magbuhos, kilalang jueteng queen dahil sa pressure na tinatanggap nito matapos na maglabasan sa mga pahayagan ang naging pag-uusap nila ng star witness na si Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson.
Ayon sa ulat, umaga pa lamang ay tumanggap na si Magbuhos ng tawag buhat sa ilang matataas na opisyal para kumpirmahin ang napaulat na gagawin nitong pagharap sa isinasagawang impeachment trial.
Sa panig ni Singson, labis itong nagtataka kung bakit lumabas sa media ang kanilang plano na paharapin ang mga jueteng operator sa bansa sa pangunguna ni Magbuhos sa isinasagawang impeachment trial.
Sa pinakahuling impormasyon na ibinigay ng source, nakatakdang umalis si Magbuhos sa bansa patungong Estados Unidos para umano magpagamot sa hindi malamang karamdaman para makaiwas sa isasagawang pagdinig sa Senado.
Magugunitang batay sa kuwentada na ibinigay ng source sa PSN ang lunsod ng Lucena ay may collection sa jueteng na P2.6 milyon kada araw, samantalang P3.8 milyon naman ang buong lalawigan ng Quezon. Ito ay pinamumunuan umano ni Magbuhos.
Ang ganitong kalaking halaga ay imposible umanong ipagpalit ng jueteng queen sa kanyang isasagawang pagtestigo. (Ulat ni Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended