Gayunman, patuloy na umaasa si Aventajado na gagawin pa rin niya sa abot ng kanyang makakaya na magkaroon ng ekstensiyon dahil sa wala pang malinaw na alternatibong masusulingan matapos na magsampa ng temporary restraining order sa Manila Regional Trial Court ang Pro Environment Consortium noong Disyembre 22 upang pigilan ang paggamit ng landfill sa Semirara Island sa Catuya, Antique.
Ngayon ang huling araw para magamit ang San Mateo landfill at ayon sa mga residente ay hindi na sila papayag pang buksan ito sa pagpasok ng taong 2001. (Ulat ni Danilo Garcia)