Nakilala ang nasawing matanda na si Muhammad Aman, habang inaalam pa ang pangalan ng dalawa pang nasawi.
Nagsimula ang sunog dakong alas- 3:40 ng hapon na mabilis na kumalat sa dikit-dikit na kabahayan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan at sanhi ng naganap na sunog na tinatayang tumupok sa may 400 bahay.
Tinataya rin na aabot sa milyong halaga ang natupok ng sunog.
Tumagal ng may dalawang oras bago naapula ang sunog.
Patuloy naman ang isinasagawang pagtulong sa mga pamilyang naging biktima ng sunog. (Ulat ni Roel Pareño)