Bunga nito, muling nagkaroon ng linaw na matuloy ang urong-sulong na peace talks sa pagitan ng magkabilang panig.
Ayon kay MILF Spokesman Eid Kabalu, nakahanda na silang muling humarap sa negotiating table kung saan ay payag na silang huwag tanggalin ang presensiya ng tropa ng militar na nagbabantay sa mga teritoryo ng kanilang grupo sa Central Mindanao.
Gayunman, iginiit ni Kabalu na dapat na pag-usapan munang mabuti ang pull-out sa Camp Abubakar ang itinuturing nitong pinakamalaking teritoryo ng kanilang grupo na bumagsak sa kamay ng militar.
Magugunita na nauna nang tinutulan ng militar ang kahilingan ng MILF na ipull-out o alisin ang kanilang tropa sa mga lugar na pinamumugaran ng natitira pang puwersa ng naturang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos )