Si Pontillano ay nahaharap sa kasong rape.
Ayon naman kina Chief Insp. Leo Irwin Agpangan, director ng 2nd Provincial Mobile Group at Senior Insp. Victorino Romanillos, Salvador Benedicto police chief, nakahanda naman silang ma-relieve sa posisyon sakaling mabigo silang maaresto si Pontillano.
Nabatid na dapat sana ay noong isang linggo pa na-relieve sa puwesto si Romanillos, gayunman namagitan si Mayor Cynthia dela Cruz na humiling kay PNP police director Geary Baria na bigyan pa ito (Romanillos) ng sapat na panahon para dakpin ang fugitive vice-mayor.
Nabatid na noon pang nakalipas na Disyembre 8 nakatanggap ng kopya ng arrest warrant laban kay Pontillano ang Salvador Benedicto Police Station.
Napag-alaman na inilabas ang arrest warrant laban sa Vice-mayor dahil sa kasong panghahalay sa isang 17-anyos na high school student sa bayan ng Salvador Benedicto. (Ulat ni Antonieta Lopez)