Importasyon ng 144,000 bigas legal — NFA

Iginiit kahapon ng National Food Authority (NFA) na legal ang ginawang pag-angkat sa may 144,000 sako ng bigas na naunang pinigil ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Cebu.

Ayon kay NFA Administrator Domingo Panganiban, kumpleto sa kaukulang shipping at importation documents ang nabanggit na shipment ng bigas mula sa Vietnam.

Nabatid na ang 144,000 sako ng bigas ay bahagi ng P2 milyong bag ng bigas na kinakailangang angkatin sa ilalim ng counter trade agreement na ginawa ng NFA at Phil. International Trading Center sa pagitan ng Vietnam.

Ang authorization umano sa Office of the President noong nakalipas na Abril 27, 2000 ang nagpapatunay na ang nabanggit na importasyon ay legal. Nag-angkat ng bigas ang NFA upang matiyak na hindi kakapusin sa supply ang bansa sa pagpasok ng susunod na taon. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments