Shootout: Pulis patay, 3 pa arestado
December 28, 2000 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Isang itinuturing na police scalawag na sangkot sa kasong murder ang iniulat na napatay, samantalang tatlo pa nitong kasamahan ang naaresto makaraang makipagbarilan sa mga umaarestong tauhan ng pulisya sa Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.
Nakilala ang nasawing pulis na si SPO4 Cresencio Hipolito, nakatalaga sa Headquarters Support Unit ng Police Regional Office (PRO) 9 at matagal nang pinaghahanap ng mga operatiba ng pulisya.
Si Hipolito ay nasawi matapos na makipagbarilan sa magkakasanib na elemento ng Zamboanga City Police Office at ng Tetuan at Divisoria Municipal Police Stations.
Batay sa ulat, dakong alas-8:15 ng umaga ng maganap ang shootout habang isine-serve ng mga tauhan ng pulisya ang warrant of arrest laban kay Hipolito at tatlo pang kasamahan nito na nakilalang sina Joel delos Reyes, Danny Boy Francisco at Ronilo Reyes sa Sitio Dungcaan, Brgy. Boalan ng nasabing lungsod kaugnay sa kasong pagpatay na kinasasangkutan ng mga ito.
Sa halip na sumuko ay pinaputukan ng grupo ni Hipolito ang mga awtoridad kung kaya napilitan ang mga pulis na gumanti ng pagpapaputok.
Nasawi sa naturang shootout si Hipolito habang naaresto naman ang tatlong kasamahan nito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended