^

Probinsiya

Ama na humalay sa anak nakonsensiya, nagpakamatay

-
SAN ANDRES, Quezon – Dahilan sa patuloy na pagsurot ng kanyang konsensiya dahil sa ginawa niyang panghahalay sa sariling anak, isang 54-anyos na magsasaka ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti, kamakalawa ng gabi sa Sitio Inanuran, Brgy. Talisay sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Apili Rocero, residente sa nabanggit na barangay.

Ang wala nang buhay na katawan ni Apili ay natagpuan ng kanyang anak na lalaki na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay dakong alas-10 ng gabi.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Paterno Arrabis, may hawak ng kaso bago naganap ang pagpapatiwakal ni Apili, napansin na ang palagiang pagkaaburido nito at laging walang imik.

Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na kinokonsensiya si Apili sa ginawa niyang panghahalay sa anak na babae may ilang buwan na ang nakakalipas kung kaya posibleng naisipan nitong tapusin na lamang ang buhay.

Ayon pa sa pulisya hindi umano nakukulong si Apili sa kabila ng ito ay may kinakaharap na kaso sa hukuman dahil sa ginagawa nitong pagtatago. (Ulat ni Tony Sandoval)

APILI ROCERO

AYON

BATAY

BRGY

DAHILAN

KINILALA

MALAKI

PATERNO ARRABIS

SITIO INANURAN

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with