3 kabataang bilanggo pumuga sa mismong araw ng Pasko
December 27, 2000 | 12:00am
LIBMANAN, CAMARINES SUR - Tatlong kabataang bilanggo pawang may kasong robbery with homicide ang iniulat na tumakas sa kanilang kulungan dahil sa pagnanais na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa kapaskuhan, ang nahuli rin naman kaagad ng pinagsanib na puwersa ng Del Gallego PNP, 504th PPMG at mga tauhan ng BJMP District Jail ng Libmanan sa Barangay Comadogcadog ng Del Gallego, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang mga nadakip na pugante na sina Alano Paterter, 16; Christopher Ramirez, 14 at Arnold Flordilez, 17, residente ng nabanggit na barangay.
Batay sa ulat ng pulisya naganap ang pagtakas ng mga bilanggo dakong alas- 2 ng madaling araw noong kapaskuhan ng ang mga ito ay bigla na lamang lumusot sa kanilang guwardiya habang nagkakaroon ng kasayahan sa nabanggit na piitan.
Nabatid na dakong alas-4 ng umaga kinabukasan ng malamang nawawala ang tatlo.
Matapos mabatid na nakatakas ang tatlo ay agad na nagsagawa ng pagtugis ang mga awtoridad. Makalipas ang walong oras ng operasyon ay natunton ng mga tauhan ng pulisya ang tatlong pugante sa kani-kanilang pinagtaguan. Hindi naman nanlaban pa ang mga ito.
Ayon sa mga pugante napilitan lamang silang pumuslit sa kulungan sa pagnanais na makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa kapaskuhan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am