Barangay kagawad lasog sa tren
December 26, 2000 | 12:00am
LOPEZ, QUEZON Nagkalasog-lasog ang katawan at namatay noon din ang isang barangay kagawad matapos na ito ay masagasaan ng isang tren habang inaalis ang motorised trolley na sinakyan ng kanyang pamilya, kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Sta. Teresa sa bayang ito. Kinilala ni Supt. Concordio Tapulayan, chief of police sa bayang nabanggit ang nasawing biktima na si Mateo Villanueva, 42, ng Barangay San Jose. Ayon sa isinagawang imbestigasyon dakong alas- 2 ng madaling araw ay sakay ng isang motorised trolley ang biktima kasama ang kanyang pamilya at tinatahak ang kahabaan ng riles patungo sa kanilang bahay. Nabatid na kagagaling lamang umano ng pamilya sa isinagawang Christmas party ng mga barangay ng ito ay pahintuin ng isa nilang kakilala dahil sa paparating na tren na patungong Maynila. Nang makababa sa trolley ang pamilya ng nasawi ay isinunod naman niyang iniaahon sa riles ang kanyang sasakyan subalit bago pa mailagay ng biktima ang sasakyan sa gilid ng riles ay nahagip na ito ng rumaragasang tren hanggang sa tuluyang makaladkad. (Ulat ni Tony Sandoval)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended