Magsasaka nagpakamatay sa pamamagitan ng granada
December 26, 2000 | 12:00am
JALA-JALA – Wala na halos natira sa katawan ng isang 53-anyos na lalaki matapos na sumabog ang isang granada na umano’y ginamit nito sa pagpapakamatay makaraang madiskubre ng kanyang pamilya na may kinakasama siyang ibang babae, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Jose Sariego, magsasaka, ng Barangay Bagombong ng bayang nabanggit. Kasama ng kanyang dampa, ilang piraso na lamang ng katawan ni Sariego ang narekober ng kanyang pamilya.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa loob ng bahay ng nasawi. Nabatid na bago mag-Pasko, nadiskubre ng kanyang asawa na may kinakasama siyang ibang babae. Ito umano ang naging dahilan upang bungangaan ang nasawi ng kanyang biyenan.
Dahil sa pagkairita ni Sariego ay tinangka nitong sunugin ang bahay ng kanyang biyenan nang buhusan nito ng gas ang kurtina at saka sinindihan.
Agad namang naapula ang apoy.
Subalit ito naman ang isa pang naging dahilan upang muli siyang pagsabihan ng kanyang misis at biyenan na lalong ikinairita ng nasawi.
Nabatid na dahil dito, mag-isang umuwi sa kanilang bahay si Sariego at makalipas ang ilang minuto ay isang malakas na pagsabog ang narinig at sumambulat na ang buong kabahayan.
Kasalukuyan namang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis upang mabatid kung nagpakamatay nga ang biktima at kung saan posibleng nanggaling ang granada. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am