Ilegal na katayan ng hayop sa Cavite minamatyagan
December 24, 2000 | 12:00am
TRECE MARTIRES CITY, Cavite Nakipag-ugnayan kahapon ang may 20 alkalde sa mga munisipalidad at tatlong lunsod sa lalawigan ng Cavite kay Dr. Efren Nuestro, director ng National Meat Inspection Commission upang pag-ibayuhin ang pagbabantay sa mga ilegal na pagkatay ng mga hayop na ibebenta sa mga pamilihang bayan at lungsod.
Ginawa ito ng mga lokal na opisyal sa lalawigan upang mabantayang mabuti ang mga pamilihang bayan at lungsod sa Cavite para masuring mabuti ang mga ibinebentang karne na partikular na ang baboy at baka ay dumaan sa matinding pagsusuri para na rin sa kalusugan ng mga mamimili.
Nabatid na marami ang inaasahang magsasamantala sa ganitong mga okasyon lalo na ngayong Media Noche at Noche Buena na magkatay ng mga hayop kahit na may sakit at dalhin sa mga pamilihang bayan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended