MILF pumarte sa ransom ng pinalayang Chinese trader
December 24, 2000 | 12:00am
Pumarte umano ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa ibinayad na P1.7-M ransom sa mga kidnappers ng isang pinalayang Filipino-Chinese businessman kamakailan sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito ang nabatid kahapon sa ulat ni Brig. Gen. Roy Kyamko, Commanding General ng 6th Infantry Division (ID), bagaman hindi nito tinukoy kung magkanong halaga ang naging kabahagi ng MILF rebels na pinaplano ng mga itong gamitin sa pagtatayo ng pabrika ng armas.
Ang pahayag ay ginawa ni Kyamko base sa report ng intelligence community na nakakita sa presensya ng mga MILF fighters sa pay-off site sa bayan ng Talitay nitong nakalipas na Disyembre 18 na nakahanda sakaling magkaputukan sa pagitan ng tropa ng mga sundalo at ng mga kidnapers ng mayamang negosyanteng si Arthur Yap.
Napag-alaman na ang nasabing P1.7-M ransom ay personal na idineliber ng asawa ni Yap na si Nene at ng kapatid nitong si Beth habang ineeskortan ni Commander Franco.
Base sa testimonya nina Nene at Beth, ang ransom ay tinanggap ni Commander Mayangkang Saguile, lider ng mga kidnaper.
Magugunita na si Yap ay dinukot ng mga armadong kalalakihan sa farm nito sa Borongan, North Upi, Maguindanao nitong nakalipas na Nob. 1. Si Yap ay pinalaya sa bayan ng Datu Piang matapos na magbayad ng ransom ang pamilya nito sa grupo ng mga kidnappers.
Sinabi ni Kyamko na ang MILF leader na si Commander Franco na nakabase sa Pigatin, Datu Piang ang nagsagawa ng pakikipagnegosasyon sa mga kidnaper na pinamumunuan naman ni Commander Saguile upang palayain si Yap kapalit ng hiningi ng mga itong ransom.
Nabatid pa na sinusubaybayan na ng mga ahente ng Central Mindanao Military Intelligence Group ang mga galaw ng mga kidnapers ni Yap sa naturang pay-off para sa isasagawang entrapment bagaman mabilis ang mga itong nakalayo sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended