Sa 14-pahinang desisyon ng Korte Suprema, kinatigan nito ang parusang bitay na ipinataw ni Nueva Ecija Regional Trial Court laban sa akusadong si Willy Marquez dahil sa panggagahasa sa biktimang itinago sa pangalang Maila.
Batay sa rekord ng Korte, ang insidente ay naganap noong October 1997, bigla na lamang pumasok sa bahay ng biktima ang akusado at dinala sa madilim na bahagi ng banana plantation ang biktima at doon isinagawa ang panghahalay.
Nabatid na tatlong ulit na inabuso ng akusado ang biktima sa loob lamang ng nasabing buwan. Pinagbabayad ng Korte Suprema ang akusado ng halagang P375,000 para sa exemplary at moral damages. (Ulat ni Grace Amargo)