Executive tinodas sa harap ng misis
December 20, 2000 | 12:00am
CABUYAO, Calamba Isang manager ng malaking kompanya sa Metro Manila ang binaril at napatay ng limang di-kilalang lalaki sa harap mismo ng kanyang asawa sa gate ng kanilang apartment sa Felicias Village dito, kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang nasawing biktima na si Virgilio Pinon, 39, may-asawa at nakatira sa Barangay Banlic, Cabuyao, Laguna at manager ng Wangli Company sa Barangay Balubaran, Valenzuela, Metro Manila.
Si Pinon ay patay na nang idating sa St. James Hospital, sa Cabuyao sanhi ng tinamo nitong tama ng bala ng baril sa kanang mukha na tumagos sa kanyang likod.
Hindi naman sinaktan ng mga suspect ang asawa ng biktima. Nabatid sa isinagawang imbestigasyon lulan ang mga suspect ng isang Mitsubishi Lancer na kulay puti na walang plaka at armado ng matataas na kalibre ng baril. Napag-alaman pa na kagagaling lamang ng mag-asawa sa Simbang Gabi ng abangan ng mga suspect.
Bumaba umano ang biktima upang buksan ang gate para maipasok ang kanilang sasakyan nang lapitan ng mga salarin at walang sabi-sabing pinaulanan ng putok ng baril.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis namang nagsitakas ang mga suspect. Hindi pa matiyak kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended