3 pulis tiklo sa mga baril at droga
December 19, 2000 | 12:00am
KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan Tatlong tauhan ng pulisya na nakatalaga sa 306th Bulacan PNP Provincial Mobile Force Group Command ang inaresto kamakalawa ng gabi, matapos na ang mga ito ay makumpiskahan ng mga hindi lisensiyadong baril at droga sa isang surveillance operation na isinagawa sa isang Karaoke Bar sa Barangay Pinagbarilan, Baliuag ng nabanggit na lalawigan.
Sa ulat na ipinalabas ni Bulacan PNP provincial director Supt. Emelito Sarmiento, ang mga naaresto ay nakilalang sina SPO3 Reynaldo Galicia Jr.; PO2 Erwin Marzan at PO1 Federico Soriano.
Ang tatlo ay dinakip dakong alas-12:30 ng gabi nang walang maipakitang mga papeles sa kanilang mga dala-dalang baril habang ipinaparada ang kanilang sinasakyang semi-stainless owner type jeep sa parking lot ng BJ Karaoke Bar sa nabanggit na lugar.
Binanggit pa sa ulat na ang tatlong inaresto ay hinihinalang kasangkot sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot sa ilang bayan ng Bulacan at sila rin ang itinuturong mga suspect sa naganap na panghoholdap sa isang Pencelito Cruz ng San Rafael, Bulacan.
Nakumpiska sa tatlo ang may ilang gramo ng shabu, dalawang plaka ng sasakyan at mga baril na walang kaukulang papeles. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
7 hours ago
Recommended