P50,000 reward sa ulo ng massacre suspects
December 19, 2000 | 12:00am
Naglunsad kahapon ng massive manhunt operation ang mga tauhan ng pulisya kasabay naman nang pagpapalabas ni Mayor Oscar Verdeflor ng halagang P50,000 reward sa sinumang magkapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng pangunahing suspects na nakilalang si Bemon Gallo na nagmasaker sa kilalang pamilya sa Bacolod at sa dalawa nilang helper noong nakalipas na Linggo.
Ayon kay Police Director Amado Marquez na ang naturang pagpaslang ay maaaring gawa lamang ng isang tao, gayunman hindi nila inaalis ang posibilidad na may mga kasama ito sa isinagawang krimen.
Ayon kay Councilor Roberto Rojas, kamag-anak ng mga biktima, isang tricycle driver ang nakakita sa limang kalalakihan na nakatayo sa tapat ng bahay ng pamilya Rivilla ilang oras bago natuklasan ang karumal-dumal na krimen.
Magugunitang nasawi sa naganap na insidente ay sina Carlos Rivilla, 77, ang asawa nitong si Florenda, 76, anak na si Benrico, 41 at mga apo na sina Mark 13, Guillermo ,11 at John Michael, 9.
Ang mag-asawang Rivilla ay nagmamay-ari ng Ormoc Sugar Central sa Leyte.
Samantala, sa Pangasinan tatlo katao ang iniulat na minasaker ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Balingueo, Sta Barbara.
Nakilala ang mga nasawi na sina Pedro Macaraeg, 43, magsasaka; ang anak nitong si Armando, 19 at manugang na si Philip Calem, 32. Sugatan din sa insidente si Danny Boy Macaraeg, 17, anak ni Pedro.
Base sa ulat ang insidente ay naganap dakong alas-9 ng gabi habang ang mag-anak ay nanonood ng TV sa kanilang bahay ng biglang pumasok ang mga suspect at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima. (Ulat nina Antonieta Lopez at Eva de Leon)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest