^

Probinsiya

Planong pagsalakay ng NPA sa military detachment, napigilan

-
Napigilan ng mga elemento ng militar ang tangkang pagkubkob ng mga rebeldeng NPA na lumusob sa detachment ng tropa ng pamahalaan sa Talaingod, Davao del Norte , ayon sa ulat kahapon.

Base sa report ng AFP Southern Command (SOUTCOM), tinatayang may 30 miyembro ng mga rebeldeng komunista ang umatake sa Talaingod Municipal detachment sa JBL Village sa Barangay Sto. Nino, dakong alas-8 ng gabi.

Tatlong civilian volunteers na nagbabantay sa nasabing detachment ang hindi nasiraan ng loob at mabilis na nakipagpalitan ng putok sa grupo ng mga rebelde.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng may limang minuto at mabuti na lamang at agad na dumating ang reinforcement troops ng pamahalaan na siyang nakapagtaboy sa mga umaatakeng kalaban.

Kaugnay nito, inalerto ng Commanding Officer ng 72nd Infantry Battalion (IB) ang lahat ng mga detachment ng militar at CAFGU sa nasabing bayan dahilan sa posible pang pag-atake ng mga rebeldeng NPA. (Ulat ni Joy Cantos )

BARANGAY STO

COMMANDING OFFICER

DAVAO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KAUGNAY

NAPIGILAN

SOUTHERN COMMAND

TALAINGOD MUNICIPAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with