Nakilala ang mga nasawi na sina Abdullah Tambis, Bernadette Piang, Balhaman Matabalao at Macmod Kanggo, pawang mga Muslims at residente ng Sultan Kudarat.
Ang crew ng tangke, kabilang ang operator nito ay iniulat na nasa kustodya na ng kanilang mother unit, ang Mechanized Infantry Battalion (MIB) na nasa ilalim ng operational control ng 6th Infantry Division ng Phil. Army.
Binanggit ni Major Julieto Ando, tagapagsalita ng 6th ID na kasalukuyan nang sinisiyasat ng mga military lawyers ang naturang insidente para madetermina ang pananagutan ng mga crew ng tangke.
Idinagdag pa nito na makakatiyak ang mga pamilya ng nasawi na ang naturang kaso ay mabibigyan ng kaukulang atensyon.
Ayon sa kanya, nauna nang nagkaloob ang militar ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima.
Gayunman, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang naturang jeep ang siyang nawalan ng kontrol ang bumangga sa Simba tank.
Subalit, sinabi pa ni Ando na ang isasagawang imbestigasyon ay sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng pulisya sa Sultan Kudarat. (Ulat ni John Unson)