^

Probinsiya

4 dayuhang sangkot sa 5-6 nasakote

-
Apat na dayuhan na sangkot sa notoryus na lending racket o 5-6 at nagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang dokumento ang naaresto kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Tacloban City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Rufus Rodriguez ang mga suspect na sina Paramjee Kumar at Bupinder Kumar, kapwa mga Indian nationals; Park SunDo, isang Koreano at Huang Zhang Jie, isang Chinese.

Ang mga nabanggit ay kasalukuyang nakapiit ngayon sa BI detention center sa Bicutan.

Sinabi ni Rodriguez na may posibilidad na maharap sa deportation proceedings ang mga nabanggit na mga dayuhan kapag hindi nakapagpakita ang mga ito ng anumang travel document at ang pagkakasangkot ng mga ito sa mga negosyo ng walang karampatang working visas.

Ayon kay BI agent Jude Hinolan, isa sa mga miyembrong nakaaresto kina Kumar na isinasailalim ang mga nasabing dayuhan sa mahigpit na surveillance dahil na rin sa kahilingan ng mga residente ng Tacloban na tumututol sa negosyong 5-6. (Ulat ni Jhay Mejias)

APAT

BUPINDER KUMAR

BUREAU OF IMMIGRATION

HUANG ZHANG JIE

IMMIGRATION COMMISSIONER RUFUS RODRIGUEZ

JHAY MEJIAS

JUDE HINOLAN

PARAMJEE KUMAR

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with