3 mekaniko minasaker
December 15, 2000 | 12:00am
CANDELARIA, Quezon Tatlong sewing machine mechanics, dalawa rito ay magkapatid ang iniulat na minasaker ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang ang mga ito ay naglalakad sa may Barangay Bukal Norte sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Chief Inspector Armando Dolor, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit ang mga biktima na sina Susano Coc, 43 at ang magkapatid na sina Rienon Salazar, 31 at Nathaniel , 22, kapwa ng Caloocan City.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas- 2 ng hapon ay tinungo ng mga biktima ang bahay ng isang Anita Violy sa nabanggit na barangay upang ayusin ang sirang makina na pag-aari nito.
Pagsapit ng mga biktima sa bahay ni Violy ay hindi na inabutan ng mga ito ang huli sa kanyang bahay kayat nagpasya na lamang ang mga ito na umuwi.
Habang naglalakad ang mga ito ay bigla na lamang pinagbabaril ng hindi nakikilalang mga salarin. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang at kung sino ang posibleng may kagagawan nito. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended