10 katao tiklo sa bolahan ng jueteng

LABO, Camarines Norte – Bumagsak sa kamay ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) ang sampung katao na responsable sa jueteng guerilla operation sa bayang ito, kamakalawa ng tanghali.

Ang sorpresang pagsalakay sa sinasabing pinagbobolahan ng jueteng ay isinagawa sa Barangay Malatap, Labo, Camarines Norte.

Nasamsam sa mga nadakip ang ilang jueteng paraphernalias at cash na nakolekta sa mga mananaya.

Nabatid pa ng PSN na muling nagsimula sa ilang bayan ang ‘jueteng guerilla’ simula ng mahinto ang operasyon ng Bingo 2 balls.

Ito naman ay sa kabila ng nagaganap na kontrobersiya na kinasasangkutan ni Pangulong Joseph Estrada na may kinalaman sa jueteng. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments