Lalaki, kinatay bago sinunog at isinako

RODRIGUEZ, Rizal – Isang pinagputol-putol at sinunog na katawan ng isang lalaki ang natagpuan ng pulisya na nakasilid sa isang sako malapit sa Lamesa dam dito, kamakalawa ng umaga sa bayang nabanggit.

Kasalukuyang hindi pa rin nakikilala ng pulisya ang naturang bangkay. Ito ay naaagnas na at hinihinalang may ilang linggo nang patay.

Ayon kay PO3 Rolando Isabel, may hawak ng kaso, nabatid na nagsasagawa nang paglilinis ang dalawang empleyado ng NAWASA sa compound malapit sa Lamesa dam sa may Sitio Sidling, Barangay Macamot ng bayang ito nang malanghap ang masangsang na amoy.

Isang sako ang kanilang nakita na inuuod at nang kanilang buksan ay nadiskubre ang bangkay ng lalaki.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments