^

Probinsiya

Mayor, inireklamo ng panunutok at pamamaril

-
LUCENA CITY – Ipaghaharap ng kaso sa hukuman ang alkalde ng isang bayan sa lalawigan ng Quezon matapos na ito ay manuntok at mamaril ng isang kawani ng gobyerno habang idinaraos ang christmas party ng mga barangay captain sa Pagbilao, Quezon, kamakailan.

Nakilala ang inireklamong mayor na si Romeo Portes, ng Pagbilao, Quezon, samantalang ang sinuntok at binaril nito ay si Louie Isidro, Lucena City Auction Market coordinator.

Base sa salaysay ni Isidro sa mga mamamahayag, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw noong Sabado sa loob ng municipal covered court ng Pagbilao, Quezon.

Kasalukuyan umanong nagkakasayahan ang mga kapitan ng barangay kaugnay ng ginaganap na christmas party nang biglang lapitan ng nabanggit na mayor si Isidro.

Sinabi pa nito na pagkabagsak niya sa lapag ay binaril pa siya ng mayor at sa kabutihang palad ay hindi siya tinamaan.

Dahil umano sa nilikhang kaguluhan ng alkalde ay nagtakbuhan na palabas ang mga tao .

Binanggit pa ni Isidro na pinagsususpetsahan siya ni Portes na nagkakalat ng ulat tungkol sa kasong graft and corruption nito na siya nitong ikinagalit.

Hindi naman agad nakunan ng pahayag ang mayor tungkol sa naturang akusasyon. (Ulat ni Tony Sandoval)

BINANGGIT

DAHIL

IPAGHAHARAP

ISIDRO

LOUIE ISIDRO

LUCENA CITY AUCTION MARKET

PAGBILAO

QUEZON

ROMEO PORTES

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with