Dalagita patay sa ligaw na bala
December 11, 2000 | 12:00am
LIGAO, Albay Isang 15-anyos na dalagita ang hindi umabot pa ng buhay sa pagamutan matapos na ito ay aksidenteng mabaril ng isang pulis habang nakasakay ang biktima sa top load ng isang pampasaherong jeep sa Brgy. Tula-Tula sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya si Milanie Peralta, isang estudyante at residente sa naturang lugar.
Samantala, ang suspek na kaagad na tumakas ay nakilalang si PO3 Paulito Peñafiel, nakatalaga sa bayan ng Manito, Albay at residente ng Pio Duran, Albay.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-5:15 ng hapon habang ang suspek at biktima ay kapwa nakasakay sa pampasaherong jeep patungong Pio Duran. Bigla na lamang pumutok ang dalang M-14 rifle service firearm ng suspek at tinamaan ang biktima sa kanang bahagi ng katawan.
Napag-alaman na ang biktima ay nakasakay sa top load ng naturang pampasaherong jeep dahil ito ay puno ng pasahero kaya nagtiis na lamang sa itaas ng jeep umupo.
Mabilis namang ibinalik ng driver ng jeep ang kanyang minamaneho para dalhin ang biktima sa naturang pagamutan subalit hindi na ito umabot pa ng buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital.
Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na tumakas matapos ang insidente. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended