Ang biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Jesusima Riano, 52, biyuda at residente ng Brgy. San Jose, Alitagtag, Batangas.
Nagtamo ng second degree scald burn sa kaliwang leeg ang biktima sanhi ng kumukulong tubig na ibinuhos ni Msgr. Alfredo Madlangbayan.
Ayon sa salaysay ni Riano sa pulisya, nagtanong umano ang biktima sa pari hinggil sa ginagawang pagpapaalis ng mga katulong sa kanya sa kumbento sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.
Nabatid pa sa ulat, na hindi nagustuhan ng pari ang pagbati ng biktima ("good morning monsignor, I love you, please help me") noong Nov. 17 ng umaga kaya nagawang buhusan ng kumukulong tubig si Riano na nagresulta upang ito ay malapnos ang balat sa leeg.
Inamin naman ng pari ang ginawang pananakit sa biktima at handang harapin ang anumang isasampang kaso laban sa kanya.
Sinabi ni Msgr. Madlangbayan na hinihikayat siyang makipagtalik ni Riano at ang magiging anak daw nila ay isang tagapagligtas ng mundo, kaya para makaiwas sa gulo ay inutusan niya ang mga katulong sa kumbento na palayasin na lamang si Riano sa kumbento. (Ulat ni Arnell Ozaeta)