^

Probinsiya

3 pang suspect sa Bulacan mayor ambush, arestado

-
KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan –Tatlo pa sa mga umano’y suspect sa pag-ambush at pagpaslang kay Doña Remedios Trinidad Mayor Esteban Paulino at sa dalawang kasama nito, ang inaresto ng magkakasanib na elemento ng Bulacan PNP Command at ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos na salakayin ang bahay ng mga ito sa Barangay Sto. Cristo, Angat sa lalawigang ito, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na ipinalabas ni Chief Inspector Rodel Sermonia, CIDG chief, ang mga inaresto ay sina Apolinario Valencia, 59; Lamberto de Guzman, 31 at Melchor Natividad, 40, na sinasabing ama, bayaw at bilas ng magkapatid na pulis na sina PO3 Felix Valencia at PO1 Eddie Valencia na nauna nang dinakip kaugnay sa naganap na krimen.

Nakumpiska sa mga nadakip ang isang M-2 automatic carbine, tatlong cal. 45 pistol, mga holster ng baril, mga bala.

Samantala, isa pa umanong suspect na kinilalang si Rolando Salvador, alyas Ade ay nakakalaya pa. Si Ade ang sinasabi ng mga testigo na kanilang nakitang nagmamaneho ng isang owner type jeep na nilapitan ng mga killer matapos na ihulog ng grupo ng mga suspect sa isang maputik na lugar ang pampasaherong jeep na ginamit sa isinagawang ambush kay Mayor Paulino. (Ulat ni Efren Alcantara)

APOLINARIO VALENCIA

BARANGAY STO

BULACAN

BULACAN CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CHIEF INSPECTOR RODEL SERMONIA

EDDIE VALENCIA

EFREN ALCANTARA

FELIX VALENCIA

MAYOR PAULINO

MELCHOR NATIVIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with