Dinukot na Hapones, pinalaya
December 9, 2000 | 12:00am
ANGELES CITY, Pampanga Pinalaya na noong nakalipas na Miyerkules ng gabi ang 40-anyos na Japanese national na iniulat na dinukot ng apat na armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng kidnap for ransom gang matapos na umano ay magbayad ng hindi malamang halaga ng ransom sa kanyang mga abductors, ayon sa ulat ng pulisya.
Nakilala ang biktima na si Naganori Suzuki, 40, negosyante at naninirahan sa 486-C Tamarind St., Barangay Malabanias, Clarkview, Subdivision, Angeles City.
Binanggit pa sa report na napalaya rin ang biktima isang araw matapos na ito ay dukutin makaraang magbayad ng ransom ang kaibigan nitong isa ring Hapones.
Kaugnay nito, hindi pa nabatid sa ulat kung saang lugar isinagawa ang negosasyon sa pagitan ng mga suspect at kung saang lugar din pinalaya ang biktima. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest