^

Probinsiya

Isa pang bus sinunog ng NPA rebels

-
Muli na namang naghasik ng terorismo ang mga rebeldeng NPA makaraang sunugin ng mga ito ang isang pampasaherong bus sa Sta. Cruz, Davao del Sur, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas-2:40 ng hapon nang parahin ng limang kalalakihan na nagpanggap na pasahero ang Weena Bus na may plakang MVG-718 sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Sta. Cruz sa nasabing lalawigan.

Pagka-akyat ng bus ay agad na tinutukan ng baril ng mga suspect ang driver at konduktor at saka inatasan ang mga ito na dalhin ang bus sa masukal na bahagi ng naturang bayan.

Pagsapit umano sa Sitio Baroy, Barangay Zone 1, Sta. Cruz ay pinahinto ng mga suspect ang bus kung saan naghihintay doon ang ilan pa nilang kasamahan.

Pinababa ng mga suspect ang lahat ng pasahero, maging ang driver at konduktor at saka binuhusan ng gasolina ang bus at saka sinindihan.

Matapos ang ginawang panununog ay mabilis na nagsitakas ang mga rebelde.

Sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na ang nasabing mga rebelde ay pinamumunuan ng isang alyas Ka Fernan na aktibong nag-ooperate sa lalawigan ng Davao.

Ayon sa teorya ng mga awtoridad, pinaniniwalaang ang mahigpit na pagtanggi ng may-ari ng Weena na magbayad ng revolutionary tax ang pangunahing motibo sa isinagawang panununog. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BARANGAY ZONE

CAMP AGUINALDO

CRUZ

DAVAO

JOY CANTOS

KA FERNAN

SITIO BAROY

WEENA BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with