Kinilala ni Lt. Col. Fredesvindo Covarrubias, chief ng AFP Civil Relations Group (CRG) sa Mindanao ang mga nasawi na sina Jerry Tobias, Warlito Visto at Aselo Cataentan.
Binanggit pa sa ulat na nagpapastor lamang ang mga biktima ng kanilang mga alagang hayop sa bukirin dakong alas-6:30 ng umaga ng dakpin at pagkatapos ay pagbabarilin ng mga rebelde.
Ginamit umanong panakot ng mga rebelde sa mga residente sa naturang lugar ang ginawang pagpaslang sa tatlong sibilyan.
Nauna rito, sinalakay din ng MILF rebels gamit ang automatic assault rifles at mortars ang isang military detachment sa Barangay Ugalingan.
Dahil dito, napilitan na gumanti rin ang tropa ng militar. Tumagal ang labanan ng may 45 minuto.
Kaugnay nito, inilagay sa alert status ang lahat ng military units sa Mindanao para hadlangan ang anumang pagsasamantala na maaaring isagawa ng Southern Phil. Armed Groups (SPAG) na kinabibilangan ng MILF, NPA, Abu Sayyaf Group at iba pang lawless elements sa nagaganap na political crisis sa bansa kasabay sa unang araw ng isinasagawang paglilitis kay Pangulong Joseph Estrada sa Senado. (Ulat ni Roel Pareño)