^

Probinsiya

Search & rescue operations sa dinukot na Hapones

-
Ipinag-utos kahapon ng pamunuan ng PNP ang paglulunsad ng search and rescue operations para sa mabilisang pagresolba sa kaso nang pagdukot sa isang Japanese national sa Angeles City, Pampanga.

Ang biktimang si Naganon Suzuki, 40 , ay dinukot sa harapan ng kanyang tahanan sa 486-C Tamarind St., Clarkview Subdivision, Barangay Malabanias ng nasabing lunsod kamakalawa ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-10:15 ng gabi ng puwersahang isinakay ng apat na armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng bigtime kidnap for ransom syndicate ang biktima.

Ang mga suspect ay lulan ng isang kulay abong pick-up na hindi nakuha ang plaka.

Isang nakilala sa pangalang Aillen Rosario Fegon, 19, stay-in waitress ng Shadows Bar na kasama ng biktima ng gabing dukutin ito, ang siyang nag-ulat sa mga awtoridad.

Ayon sa salaysay ni Fegon nagawa umano niyang makatakas mula sa mga kidnappers habang tinangay naman ng mga ito si Suzuki.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga awtoridad kung sinong grupo ang responsable sa pagdukot sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

AILLEN ROSARIO FEGON

ANGELES CITY

AYON

BARANGAY MALABANIAS

C TAMARIND ST.

CLARKVIEW SUBDIVISION

FEGON

JOY CANTOS

NAGANON SUZUKI

SHADOWS BAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with