^

Probinsiya

Ceasefire nilabag ng MILF; 2 Cafgu patay sa pananambang

-
Sa kabila ng idineklarang tigil-putukan ng pamahalaan ay muli na naman itong nilabag ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang magsagawa ng pag-atake laban sa mga tropa ng pamahalaan na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang tauhan ng CAFGU sa Alamada, North Cotabato, kamakalawa.

Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang dalawang miyembro ng CAFGU na napuruhan matapos na pagbabarilin ng mga rebelde sa isang ambush sa Sitio Matin-awa, Barangay Guling sa nasabing bayan.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, nakilala ang dalawang nasawing CAFGU na sina Santiago Paulino at Martin Dalumpines, kapwa nasa ilalim ng 6th Infantry Battalion ng Phil. Army.

Napag-alaman na dakong alas-8 ng umaga habang nagpapatrulya ang mga elemento ng pamahalaan ay bigla na lamang niratrat ng mga rebelde na muling nagsamantala sa pagdedeklara ng pamahalaan ng ceasefire o ang pansamantalang pagtigil ng military operation .

Magugunita na nagdeklara ng tigil-putukan ang pamahalaan sa hanay ng mga rebeldeng MILF na nagsimula noong nakalipas na Disyembre 1 na tatagal hanggang Enero 9 sa susunod na taon.

Kinondena ng militar ang patuloy na paglabag ng mga rebelde sa idineklarang Suspension Of Military Operation (SOMO) para maiwasan ang anumang kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao lalo na ngayong Kapaskuhan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY GULING

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

MARTIN DALUMPINES

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

SANTIAGO PAULINO

SITIO MATIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with