Chinese national tiklo sa isang kilo na shabu
December 6, 2000 | 12:00am
Isa na namang bigtime Chinese drug pusher ang nadagdag sa talaan ng mga kandidato sa lethal injection makaraang maaresto ng mga awtoridad kasabay ng pagkakasamsam sa isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa San Fernando, Pampanga.
Ang naarestong suspect ay kinilalang si Jason Sy, na sinasabing tulak sa ipinagbabawal na gamot sa lalawigan at iba pang karatig lugar.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame , nabatid na ang operasyon ay isinagawa ng mga elemento ng Special Action Team ng 3rd Criminal Investigation and Detection Group dakong alas-3 ng madaling araw kamakalawa sa parking lot ng Chowking Food Chain sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road sa Dolores sa bayan ng San Fernando.
Isang pulis ang nagpanggap na kostumer ng shabu kung saan ay napagkasunduang ideliber ang mga epektos sa parking lot ng Chowking Food Chain.
Hindi na nakapalag ang suspect ng bigla itong posasan ng mga awtoridad habang iniaabot ang shabu sa poseur-buyer.
Nasamsam mula sa suspect ang isang kilo ng shabu na may katumbas na halagang P 2 milyon at ang mahigit P.5 milyong ginamit na marked money. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended