Kotse sumalpok sa truck: 7 katao patay
December 4, 2000 | 12:00am
Pito katao ang nasawi kabilang ang dalawang kawani ng pahayagang Manila Bulletin, makaraang sumalpok ang sinasakyang kotse ng mga biktima sa isang nakaparada at kinukumpuning 10 wheeler truck ng soft drinks sa kahabaan ng South Luzon Expressway sa pagitan ng Pacita at Brgy. San Vicente, San Pedro, Laguna kahapon ng madaling araw.
Base sa ulat ng Philippine National Construction Company (PNCC), idineklarang dead on the spot ang mga biktimang sina Sherwin Enero Ignacio, 22; Frederick Lubpes Daplos, 24; Kaye Ante, 20, Circulation Department ng Manila Bulletin; Maida Paglinawan, 20, Editorial Assistant ng Travel and Tourism Section ng nabanggit pa ring pahayagan; Rosel Belen, 22; Marian Paldez at Ruth Belen.
Base sa imbestigasyon ng PNCC, naganap ang insidente dakong alas-4 kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng South Luzon Expressway, San Pedro, Laguna.
Nakasakay ang pitong biktima sa isang Mitsubishi Lancer na may plaka USP-622 patungong Calamba, Laguna.
Nabatid sa ulat na kagagaling lamang ng mga biktima sa isang kasiyahan mula sa Dasmariñas, Cavite patungong Laguna nang bumangga ang mga ito sa isang nakaparadang ten wheeler truck sa kanto ng nasabing lugar.
May teorya ang pulisya na inaatok ang driver habang nagmamaneho at huli na nang mamataan nito na may truck sa kanto at tuluyang sumalpok dito na nagresulta sa pagkasawi nila. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended