Truck na may lulang mais hinay-jack
December 4, 2000 | 12:00am
CAMP OLIVAS, PAMPANGA Isang 10-wheeler truck na naglalaman ng 500 sako ng yellow corn at takdang i-deliver sa Metro Manila ang hinay-jack ng apat na armadong kalalakihan sa kahabaan ng Maharlika Hi-way, Barangay Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat ni Nueva Ecija Police Director Supt. Aurelio Hiteroza, kinilala ang mga biktimang sina Joseph Sagun, 24, pahinante at caretaker at ang driver ng naturang truck na si Romeo Abenir, 53, kapwa naninirahan sa Mahogany Street, Barangay Kalaokan, Santiago City.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang hi-jacking dakong alas-5:45 ng madaling araw habang nakaparada at nagkukumpuni ng makina ng kanilang sasakyang Isuzu-10 wheeler truck na may plate no. PTE-772.
Biglang sumulpot ang apat na suspek lulan sa isang hindi mabatid na sasakyan at mabilis na pinadapa sa lupa ang mga biktima kasabay ng pagtutok sa kanila ng baril ng mga suspek. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 16 hours ago
By Doris Franche-Borja | 16 hours ago
By Cristina Timbang | 16 hours ago
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am