15 bangkay ng Sayyaf inilibing sa isang hukay
December 4, 2000 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tinatayang aabot sa 15 bangkay ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang aksidenteng nadiskubre ng tropa ng militar na inilibing sa isang hukay habang nagsasagawa ng patrolya sa Mt. Bagsak, Bayan ng Patikul noong Biyernes ng umaga.
Sinabi ni Major General Narciso Abaya, hepe ng Task Force Trident na habang nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng 77th Infantry Battalion sa nasabing lugar ay aksidenteng madiskubre ang mga bangkay ng Sayyaf.
Hindi naman kaagad nakilala ang mga bangkay dahil sa naagnas na ang mga ito at magkakadikit pa sa isang hukay.
May teorya si Abaya na ang 15 bangkay ng Sayyaf na nadiskubre ay nasawi sa pakikipagsagupaan laban sa tropa ng militar may tatlo hanggang apat na linggo na ang nakalilipas.
"Kadalasan ay dinadala ng mga Sayyaf ang kanilang kasamahang nasugatan o kaya napapatay sa sagupaan upang itakas at ilibing sa isang hukay", dagdag pa ni Abaya.
Ang pagkakadiskubre sa 15 bangkay ng Sayyaf ay naidagdag pa sa nasawing 214 Sayyaf sa pakikipagbarilan laban sa militar habang aabot sa 240 naman ang sumuko at 174 naman ang nasakote magmula ng maglunsad ng pag-atake ang tropa ng pamahalaan sa kuta ng nasabing grupo sa naturang lugar noong Sept. 16.
Sa panig naman ng militar, aabot sa 12 sundalo ang nasawi kabilang na ang 3 civilian volunteers habang 46 sundalo ang nasugatan sa patuloy sa operasyon laban sa grupo ng Sayyaf. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest