Ito ang inihayag kahapon ni Mayor Vicente Emano ng nabanggit na siyudad kung saan naniniwala ito na ilang araw na lamang at maililigtas na si Enrico Pelaez, executive ng Mindanao Development Bank at anak ni dating Vice-President Emmanuel Pelaez.
Ayon sa ilang ulat, ang batang Pelaez ay itinatago ng kanyang mga abductors sa isang lugar sa lalawigan ng Lanao.
Nabatid na si Emano ang nangunguna para sa pakikipag-negosasyon upang mailigtas ang biktima.
Itinanggi din ni Emano ang pagkakakilanlan ng mga kidnappers ni Pelaez at ang eksaktong ransom na hinihingi ng mga ito.
Matatandaang dinukot si Pelaez noong nakalipas na Nobyembre 23 ng taong kasalukuyan sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro habang papauwi na ito sa kanyang tahanan.
Gayundin ay pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga dumukot kay Rachel Ann Valmoria, isang nurse sa Cagayan de Oro Medical Center na dinukot naman noong Nobyembre 21 at napag-alaman na nanghihingi ng halagang P100,000 ang mga suspect para sa pagpapalaya sa bihag. (Ulat ni Jhay Mejias)