^

Probinsiya

Obrero na hindi naka-cash advance, nangholdap ng kahera

-
BACACAY, Albay — Dahil sa kawalan ng nakahandang pera para sa manganganak niyang asawa, nagawa ng isang mister na holdapin ang kahera sa kompanyang kanyang pinaglilingkuran matapos tanggihan nito ang pagbale ng suspect sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Ang suspect na nahuli at binugbog ng mga humabol sa kanyang residente ay nakilalang si Ricky Bolanos, 26.

Hinoldap naman nito si Cathy Bas, 22, dalaga, kahera sa Manila Cable Service.

Si Bas ay kasalukuyang ginagamot sa Bacacay District Hospital matapos saksakin ng screwdriver ng naturang suspect.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga habang ang biktima ay nagtatago ng pera sa kanilang kaha de yero.

Napag-alaman na bago naganap ang insidente ay nag-apply ng cash advance ang suspect subalit ito ay tinanggihan ng biktima dahil sa malaki na ang utang nito sa kompanya.

Biglang dumating ang suspect at pilit na hinihingi sa biktima ang susi ng vault, gayunman tumanggi si Bas kung kaya mabilis na naglabas ng screwdriver ang suspect at inundayan ito ng saksak.

Sa kabila ng tinamong sugat, nakuhang makasigaw ng biktima kaya nakakuha ito ng pansin sa mga kapitbahay.

Binalak ng suspect na tumakas subalit hinabol siya ng mga residente .

Nagtamo rin ng mga pasa sa katawan ang suspect matapos siyang pupugin ng mga humabol sa kanyang mga residente. (Ulat ni Ed Casulla)

ALBAY

BACACAY DISTRICT HOSPITAL

BATAY

BIGLANG

CATHY BAS

ED CASULLA

MANILA CABLE SERVICE

RICKY BOLANOS

SI BAS

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with