Limang oras matapos ang naganap na pagpatay, nagpalabas ng pahayag si Leonardo Guevarra na kumokondena sa NPA, maging sa Communist Party of the Philippines (CPP) at sa National Democratic Front (NDF) dahil sa naganap na pagpaslang .
Ayon kay SPO2 Saturnino Santiago, na pumasok sa bahay ni Quizon ang mga armadong kalalakihan at walang sabi-sabing pinaulanan ito ng bala ng baril sa ulo sa harap ng nagmamakaawa niyang asawa at mga anak.
Binanggit pa ni Guevarra na ang naturang NPA guerillas ay pawang nakasuot ng bonnet nang dumating sa bahay ni Quizon. Nagpakilala pa umano ang mga ito na tauhan ng militar.
Isa sa mga suspect ang nagawang mag-alis ng bonnet sa mukha bago tuluyang paputukan si Quizon. Ito naman ay nakilala ng mga testigo na commanding officer ng NPA na nag-ooperate sa naturang bayan.
Binanggit pa sa pahayag na ang naturang pagpatay ay maituturing na most cruel attack na isinagawa ng counter-revolutionary CPP-NPA-NDF laban sa revolutionary cadres.
Si Quizon ay pinaniniwalaang pinakamataas na lider ng RHB sa Pampanga.
Ang RHB naman ay isang armed unit ng MLPP na humiwalay sa CPP noong 1998 dahil sa ilang ideological differences.
Simula noon nagkaroon na ng hidwaan sa pagitan ng grupo ng RHB at NPA.
Inakusahan pa ng CPP ang ilang miyembro ng RHB na ginagamit sa counter-intelligence operations ng militar at pulisya. (Ulat ni Ding Cervantes)