Drug pusher na binibistahan sa korte, natigok
December 2, 2000 | 12:00am
LUCENA CITY Namatay habang binibistahan sa isang korte sa Regional Trial Court ng lungsod na ito ang isang suspected drug pusher makaraang atakihin sa puso sa loob mismo ng korte kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Paulino Mendez, residente ng Purok 3-B, Barangay Dalahican ng lunsod na ito.
Si Mendez ay may tatlong kasong kinasasangkutan, kabilang dito ang dangerous drugs act at illegal possession of firearms.
Si Mendez ay inaresto kasama ang kanyang asawa na si Ludy noong nakalipas na Agosto 28, 1999 kung saan nakumpiska dito ang may 240 gramo ng shabu.
Ayon sa report, bandang ala- 1 ng hapon habang nasa loob ng korte ang suspect at dinidinig ang kaso ay bigla na lamang itong nabuwal.
Isinugod si Mendez sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi na nagawa pang maisalba ang buhay. (Ulat ni Celine Tutor)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended