^

Probinsiya

Pangulo ng union grabe sa ambush

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang labor union president ang nasa kritikal na kalagayan matapos na tambangan ng pinaghihinalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa San Miguel, Tarlac, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na isinumite ng Tarlac Police Provincial Office (TPPO) kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Chief Superintendent Roberto Calinisan, kinilala nito ang biktima na si Francisco "Boy " Sigua, 63, residente ng Barangay Parang, Concepcion, Tarlac.

Si Sigua na kasalukuyang presidente ng United- Labor Workers Union (ULWU) ay ginagamot sa Ramos General Hospital sa Tarlac City dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, kagagaling lamang umano ng biktima sa opisina nito dakong alas-11:45 ng gabi sa Hacienda Luisita sa nabanggit na bayan ng tambangan ng hinihinalang miyembro ng rebeldeng NPA.

Nabatid sa ulat na si Sigua ay kasalukuyan ding naninilbihan bilang isang barangay chairman.

Kasama ni Sigua ang isang pulis na nagngangalang SPO2 Molina ng maganap ang pananambang.

Masuwerte namang nakaligtas sa pananambang ang kasama nitong pulis ayon sa ulat ng pulisya.

Nagsagawa naman ng malawakang manhunt operation ang mga kagawad ng pulisya laban sa mga rebelde upang panagutin sa nasabing insidente.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa naganap na ambush. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY PARANG

CHIEF SUPERINTENDENT ROBERTO CALINISAN

HACIENDA LUISITA

JEFF TOMBADO

LABOR WORKERS UNION

NEW PEOPLE

POLICE REGIONAL OFFICE

RAMOS GENERAL HOSPITAL

SAN MIGUEL

SIGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with