Binanggit sa ulat na ang biktima ay tinatayang nasa gulang na 50-55, nakasuot ng blue at checkered na polo na may puting sando, may taas na 59 talampakan at may katamtamang laki ng katawan.
Sa pagsusuring isinagawa ng mga awtoridad, napag-alamang ang biktima ay nagtamo ng labing-isang tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
May hinala ang pulisya na posibleng ang biktima ay dinukot mula sa malayong lugar bago tuluyang pinaslang ang biktima.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon ang pulisya. (Ulat ni Jeff Tombado)