Bangkay ng sinalvage natagpuan
December 2, 2000 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na tadtad ng tama ng bala ng baril sa katawan ang natagpuan sa madamong lugar sa bahagi ng North Luzon Tollway na sakop ng Barangay Acien, Mexico, Pampanga, kamakalawa.
Binanggit sa ulat na ang biktima ay tinatayang nasa gulang na 50-55, nakasuot ng blue at checkered na polo na may puting sando, may taas na 59 talampakan at may katamtamang laki ng katawan.
Sa pagsusuring isinagawa ng mga awtoridad, napag-alamang ang biktima ay nagtamo ng labing-isang tama ng bala ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
May hinala ang pulisya na posibleng ang biktima ay dinukot mula sa malayong lugar bago tuluyang pinaslang ang biktima.
Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng isang masusing imbestigasyon ang pulisya. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended