1 na naman aircon bus sinunog ng NPA rebels
December 1, 2000 | 12:00am
STA. ELENA, Camarines Norte Isa na namang bagong aircon bus ang sinunog ng mga nagpakilalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Bulala ng nasabing bayan, kamakalawa ng gabi habang ito ay patungo sa kalakhang Maynila.
Napag-alaman na ang Superlines Aircon Bus na may body no. 317 na minamaneho ni Rolando Lukban ay umalis sa Daet Terminal dakong alas-9 ng gabi patungong Cubao, Quezon City.
Habang tinatahak nito ang kahabaan ng Maharlika Highway dakong alas-10:45 ng gabi, apat na pasahero ang biglang tumayo at agad na nagpakilalang NPA na armado ng baril at ipinag-utos sa drayber na ihinto ang naturang bus.
Pinababa ng mga suspect ang lahat ng pasahero, maging ang driver at konduktor.
Pagkatapos ay mabilis na kumuha ng gaas ang mga rebelde at saka sinindihan ang naturang bus.
Malaki ang paniwala ng pulisya na ito ay may kaugnayan sa revolutionary tax na hinihingi ng mga rebelde sa pangasiwaan ng Superlines Bus. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am