^

Probinsiya

Lider ng 'Cable Gang' nasakote

-
Camp Vicente Lim, Calamba – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng 4th Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang magkaibigan na umano ay lider ng tinaguriang " Cable Gang " na nagnanakaw ng mga kawad ng kompanya ng PLDT at sumasabotahe ng mga linya ng telepono sa ibat-ibang parte ng Cavite sa isinagawang police operation sa Barangay San Agustin ll, Dasmariñas, Cavite, kahapon.

Kinilala ni Police Superintendent Alejandro Mateo, CIDG4 Regional Officer, ang nadakip na magkaibigan na sina Reynaldo Avila, alyas Rey at Virgilio Guillefa, alyas Boy , kapwa naninirahan sa Dasmariñas, Cavite.

Binanggit ng pulisya na ang grupo ng mga suspect ay responsable sa mga nakawan ng kawad ng PLDT sa Cavite.

Idinagdag pa nito na isang linggong surveillance operation ang isinagawa ng kanyang mga tauhan sa hinihinalang hideout ng mga suspect matapos magsadya at magharap ng reklamo ang mga opisyal ng naturang kompanya sa himpilan ng pulisya.

Narekober ng mga operatiba sa mga suspect ang ilang mamahalin at mahahabang kawad na pag-aari ng kompanya ng PLDT sa kanilang hideout.

Inaresto ng mga awtoridad ang mga suspect sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Lucenito Tagle ng RTC Branch 20, ng Imus, Cavite. (Ulat ni Ed Amoroso)

BARANGAY SAN AGUSTIN

CABLE GANG

CAMP VICENTE LIM

CAVITE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DASMARI

ED AMOROSO

JUDGE LUCENITO TAGLE

POLICE SUPERINTENDENT ALEJANDRO MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with