Idineklarang patay na nang idating sa Camp Capinpin Station Hospital ang biktimang si Ferdinand dela Cruz, ng Barangay Duraite, Tanay. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng kanyang sikmura.
Agad namang sumuko ang suspect na si Fidel Garcia, 15, kapitbahay ng biktima sa mga barangay tanod bago siya dinala sa pulisya. Pinag-aaralan pa ngayon kung ililipat ito sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development dahil sa pagiging menor-de-edad nito.
Isinuko rin ni Garcia ang kalibre. 22 na air rifle na ginamit niya sa pangangaso.
Sa inisyal na imbestigasyon, umakyat sa bundok ng naturang barangay sina Garcia at dela Cruz kasama pa ang ilang barkada upang manghuli ng ibon.
Dahil sa walang makitang malaking ibon na mahuhuli, pinaglaruan na lamang ni Garcia ang kanyang air rifle nang wala sa sarili ay nakalabit ang gatilyo nito.
Dito tinamaan si dela Cruz . Tarantang pinagtulungang ibaba ng bundok ng magkakaibigan ang biktima upang mailigtas ang buhay nito ngunit silay nabigo. (Ulat ni Danilo Garcia)