^

Probinsiya

Magbabarkadang namamaril ng ibon, 11-anyos ang napatay

-
Tanay, Rizal – Sa halip na ibon ang kanilang mahuli sa pangangaso, patay na nailabas sa bundok ang isang 11-anyos na bata matapos na aksidenteng mabaril ito ng kanyang kasamahan, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.

Idineklarang patay na nang idating sa Camp Capinpin Station Hospital ang biktimang si Ferdinand dela Cruz, ng Barangay Duraite, Tanay. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kaliwang bahagi ng kanyang sikmura.

Agad namang sumuko ang suspect na si Fidel Garcia, 15, kapitbahay ng biktima sa mga barangay tanod bago siya dinala sa pulisya. Pinag-aaralan pa ngayon kung ililipat ito sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development dahil sa pagiging menor-de-edad nito.

Isinuko rin ni Garcia ang kalibre. 22 na air rifle na ginamit niya sa pangangaso.

Sa inisyal na imbestigasyon, umakyat sa bundok ng naturang barangay sina Garcia at dela Cruz kasama pa ang ilang barkada upang manghuli ng ibon.

Dahil sa walang makitang malaking ibon na mahuhuli, pinaglaruan na lamang ni Garcia ang kanyang air rifle nang wala sa sarili ay nakalabit ang gatilyo nito.

Dito tinamaan si dela Cruz . Tarantang pinagtulungang ibaba ng bundok ng magkakaibigan ang biktima upang mailigtas ang buhay nito ngunit sila’y nabigo. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARANGAY DURAITE

CAMP CAPINPIN STATION HOSPITAL

CRUZ

DAHIL

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DITO

FIDEL GARCIA

GARCIA

TANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with