3 pampasaherong bus sinunog ng NPA rebels
November 30, 2000 | 12:00am
Camp Olivas, Pampanga Tatlong pampasaherong bus ang iniulat na sinunog ng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Pungkan, Caranglan, San Jose City, Nueva Ecija, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Roberto Calinisan, sinunog ng mga armadong rebeldeng komunista ang isang ordinaryong Victory Liner bus at dalawang air-conditioned bus na Auto Bus sa nasabing lugar.
Batay sa pangunahing imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng harangin ng may tinatayang 50 armadong komunista ang nadaanan ng naturang mga bus at mabilis na pinara ito.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa mga pasahero ng tatlong bus sa naganap na panununog. Hinihinala ng pulisya na may kaugnay sa bigong pagbigay ng kaukulang "revolutionary taxes" ang mga kumpanya ng bus sa mga rebelde. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest